Online English Summarizer tool, free and accurate!
Sistema ng paglinang sa talino ang edukasyon. Isa itong unti-unti at antas-antas na proseso sa pedagohiya o pagtuturo at pag-aaral. Nakaprograma sa paaralan o akademya ang paglinang sa talino, agham at sining ang timbulan ng pedagohiya. Isip ang pinagtutuunan ng pedagohiya. Sa diwang ito ang sistema ng edukasyon ng lipunang Pilipino—sa simulain. Layunin at gawain—ay dapat na mabulas na tumutugon sa adhikain ng lipunan, layunin ng mga mamamayan at kagustuhan ng bayan sa pamumuhay na matiwasay at maunlad. Malusog at malikhain kamalayang panlipunan ang pinagsisikhayang linangin ng mga iskolar o pantas ng buhay ng lipunan. Taliwas sa nabanggit ang katotohanang umiiral sa sistema ng edukasyon. Marurunong ang produkto ng umiiral na sistema ng edukasyon. Marurunong ang produkto ng umiiral na sistema ng edukasyon. Marurunong na tanga o intelektwal idyot ang mga tituladong nakalatag sa ibat-ibang propesyon. Marunong ang taong may mga kaalaman sa isip. Idyot ang walang kamuwangan sa realidad ng buhay. Ang kabuluhan ng karunungan ay laging nasa kapakinabangan at kabutihan ng lipunan. Lipunan ay may-ari ng karunungan. Prangkisa, sa anyo ng lisensya, ang pahintulot na ipinagkakaloob ng lipunan sa mga propesyunal—guro, doktor, inhenyero atbp.—sa paggamit ng kanilang karunungan na may kabayaran ang serbisyo sa lipunan. Hindi, kailanman sa pangkalahatan, inaalintana ng mga propesyunal ang kagalingang panlipunan sa kanilang opisyo o paghahanapbuhay. Mahina o tahasang wala sa talino ng mga propesyonal yaong pagpapahalagang pantao, panlipunan, pambayan at pambansa. Makasarili ang mga propesyonal. Hatid ito ng napakasamang sistemang sosyal na malakolonyal at malapyudal na tahasang siklo sa reyalidad ng ekonomiya, pulitika at hanggang sa antas ng kultura. Sa pagkatao, napupukaw ang pagkamakasarili dahil tandisang nakasanib sa kamalayang panlipunan ang kalikasang hayop at nakatining ito sa kultura ng bayan. Matira-matibay ang pilosopiya ng buhay sa lipunang Pilipino. Sapagkat nabuo na ng kabihasnan ang kolektibong 11 sarili sa kilatis ng katauhan ng mga uri ng pagkatao sa lipunan. Nagmamalasakitan ang iwing kolektibong sarili sa kauri na kapinsalaan o kapahamakan naman ng ibang uri. Nagagatungan pa ang pansariling tendensya ng magkakahidwaang kolektibong sarili sa mga uri ng mga tao sa lipunang Pilipino ng kaisipang rehiyonalismo. Isang anyo ng kulturang pyudal ang rehiyonalismo—makitid sa pananaw ng katuturan ng salimuhaang panlipunan na balakid sa pambayan at pambansang kagalingan. Ang mapaminsalang talino ng mga Pilipino, sa punto ng kabutihang panlipunan at kagalingang pambansa, ay dulot ng dispalinghadong edukasyong itinataguyod ng paaralan o akademya. Katunayan, tinutulan nga ng mga kabataang estudyante ang edukasyong komersyal, kolonyal at pormalistiko. Aktibong mawawasak ang pagkamakasarili sa kolektibong sarili ng mga uri ng pagkatao sa lipunan sa pamamagitan lamang ng karunungang Pilipino, na mula sa mga karanasan ng sambayanang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanaw—sinisinop ng akademya—para sa kaunlaran ng bansa at kabutihan ng sambayanang Pilipino. Wikang Filipino, na bigkis ng ibaibang wikang lalawiganin o bernakular, ang tanging makalilinang sa talino ng sambayanan na makatao, makalipunan, makabayan at may pandaigdigang pananaw. Sa dinamismo ng talinong makalipunan mapaghuhunos sa katauhan ang makasariling tendensya. Ang uri ng pagkatao na pangunahing itinatakda sa relasyon sa produksyon ng yamang panlipunan ay gradwal na mapupurga (itatakwil ang kahayupan sa sarili) sa radikal na paglilinis sa katauhan ng edukasyong makatao. Titining sa kultura ng bayan ang diwang makatao. Epistemolohiya, agham ng karunungan, ang lunsaran at sinupan ng pambansang karunungan na Filipinolohiya: pilosopiyang Pilipino, lohikang Pilipino at paninindigang Pilipino. Sa katuturang akademiko ang Filipinolohiya ay ukol sa mga kursong dapat bukal ng mga katalinuhang panlipunan na inter-aktibong pinagsisikhayan ng guro at estudyante sa sitwasyong pedagohikal. Totoo, mabuti at maganda sa pambansang praxis (aksiyon at repleksyon) na sinisihop sa agham at sining na sasalamin sa kabutihan ng lipunan ang tungkulin ng akademya na Filipinolohiya ang oryentasyon. May pananagutan ang mga guro sa akademya sa pananatili ng mapaminsalang talinong nakasanib sa kamalayang panlipunan ng kabihasnang Pilipino. Dapat magtika ang kaguruan at magiting na harapin ang marawal at malagim na reyalidad sa lipunan. Mababago nila ang reyalidad kung babaguhin muna ng kaguruan ang angking talinong hinubog ng pormal na maling edukasyon. Inuuk-ok ng mapaminsalang talino ang bait/katinuan ng kaguruan sa partikular at sa pangkalahatan ang diwang makabayan at progresibo na maghahatid sa lipunan sa kaluwalhatian. Masakit ilahad ngunit ito ang totoo: sa mapanuring pagkukuro, mistulang punerarya ng utak ang akademya at ang mga guro ay embalsamador ng talino. Masakit ang katotohanan ngunit nagtuturo.
Sistema ng paglinang sa talino ang edukasyon. Isa itong unti-unti at antas-antas na
proseso sa pedagohiya o pagtuturo at pag-aaral. Nakaprograma sa paaralan o akademya ang
paglinang sa talino, agham at sining ang timbulan ng pedagohiya. Isip ang pinagtutuunan ng
pedagohiya. Sa diwang ito ang sistema ng edukasyon ng lipunang Pilipino—sa simulain.
Layunin at gawain—ay dapat na mabulas na tumutugon sa adhikain ng lipunan, layunin ng mga
mamamayan at kagustuhan ng bayan sa pamumuhay na matiwasay at maunlad.
Malusog at malikhain kamalayang panlipunan ang pinagsisikhayang linangin ng mga
iskolar o pantas ng buhay ng lipunan.
Taliwas sa nabanggit ang katotohanang umiiral sa sistema ng edukasyon. Marurunong
ang produkto ng umiiral na sistema ng edukasyon.
Marurunong ang produkto ng umiiral na sistema ng edukasyon. Marurunong na tanga o
intelektwal idyot ang mga tituladong nakalatag sa ibat-ibang propesyon. Marunong ang taong
may mga kaalaman sa isip. Idyot ang walang kamuwangan sa realidad ng buhay. Ang kabuluhan
ng karunungan ay laging nasa kapakinabangan at kabutihan ng lipunan. Lipunan ay may-ari ng
karunungan. Prangkisa, sa anyo ng lisensya, ang pahintulot na ipinagkakaloob ng lipunan sa mga
propesyunal—guro, doktor, inhenyero atbp.—sa paggamit ng kanilang karunungan na may
kabayaran ang serbisyo sa lipunan.
Hindi, kailanman sa pangkalahatan, inaalintana ng mga propesyunal ang kagalingang
panlipunan sa kanilang opisyo o paghahanapbuhay. Mahina o tahasang wala sa talino ng mga
propesyonal yaong pagpapahalagang pantao, panlipunan, pambayan at pambansa. Makasarili ang
mga propesyonal. Hatid ito ng napakasamang sistemang sosyal na malakolonyal at malapyudal
na tahasang siklo sa reyalidad ng ekonomiya, pulitika at hanggang sa antas ng kultura.
Sa pagkatao, napupukaw ang pagkamakasarili dahil tandisang nakasanib sa kamalayang
panlipunan ang kalikasang hayop at nakatining ito sa kultura ng bayan. Matira-matibay ang
pilosopiya ng buhay sa lipunang Pilipino. Sapagkat nabuo na ng kabihasnan ang kolektibong
11
sarili sa kilatis ng katauhan ng mga uri ng pagkatao sa lipunan. Nagmamalasakitan ang iwing
kolektibong sarili sa kauri na kapinsalaan o kapahamakan naman ng ibang uri. Nagagatungan pa
ang pansariling tendensya ng magkakahidwaang kolektibong sarili sa mga uri ng mga tao sa
lipunang Pilipino ng kaisipang rehiyonalismo. Isang anyo ng kulturang pyudal ang
rehiyonalismo—makitid sa pananaw ng katuturan ng salimuhaang panlipunan na balakid sa
pambayan at pambansang kagalingan.
Ang mapaminsalang talino ng mga Pilipino, sa punto ng kabutihang panlipunan at
kagalingang pambansa, ay dulot ng dispalinghadong edukasyong itinataguyod ng paaralan o
akademya. Katunayan, tinutulan nga ng mga kabataang estudyante ang edukasyong komersyal,
kolonyal at pormalistiko.
Aktibong mawawasak ang pagkamakasarili sa kolektibong sarili ng mga uri ng pagkatao
sa lipunan sa pamamagitan lamang ng karunungang Pilipino, na mula sa mga karanasan ng
sambayanang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanaw—sinisinop ng akademya—para sa
kaunlaran ng bansa at kabutihan ng sambayanang Pilipino. Wikang Filipino, na bigkis ng ibaibang
wikang lalawiganin o bernakular, ang tanging makalilinang sa talino ng sambayanan na
makatao, makalipunan, makabayan at may pandaigdigang pananaw.
Sa dinamismo ng talinong makalipunan mapaghuhunos sa katauhan ang makasariling
tendensya. Ang uri ng pagkatao na pangunahing itinatakda sa relasyon sa produksyon ng yamang
panlipunan ay gradwal na mapupurga (itatakwil ang kahayupan sa sarili) sa radikal na paglilinis
sa katauhan ng edukasyong makatao. Titining sa kultura ng bayan ang diwang makatao.
Epistemolohiya, agham ng karunungan, ang lunsaran at sinupan ng pambansang
karunungan na Filipinolohiya: pilosopiyang Pilipino, lohikang Pilipino at paninindigang Pilipino.
Sa katuturang akademiko ang Filipinolohiya ay ukol sa mga kursong dapat bukal ng mga
katalinuhang panlipunan na inter-aktibong pinagsisikhayan ng guro at estudyante sa sitwasyong
pedagohikal.
Totoo, mabuti at maganda sa pambansang praxis (aksiyon at repleksyon) na sinisihop sa
agham at sining na sasalamin sa kabutihan ng lipunan ang tungkulin ng akademya na
Filipinolohiya ang oryentasyon.
May pananagutan ang mga guro sa akademya sa pananatili ng mapaminsalang talinong
nakasanib sa kamalayang panlipunan ng kabihasnang Pilipino. Dapat magtika ang kaguruan at
magiting na harapin ang marawal at malagim na reyalidad sa lipunan. Mababago nila ang
reyalidad kung babaguhin muna ng kaguruan ang angking talinong hinubog ng pormal na maling
edukasyon. Inuuk-ok ng mapaminsalang talino ang bait/katinuan ng kaguruan sa partikular at sa
pangkalahatan ang diwang makabayan at progresibo na maghahatid sa lipunan sa kaluwalhatian.
Masakit ilahad ngunit ito ang totoo: sa mapanuring pagkukuro, mistulang punerarya ng
utak ang akademya at ang mga guro ay embalsamador ng talino.
Masakit ang katotohanan ngunit nagtuturo.
Summarize English and Arabic text using the statistical algorithm and sorting sentences based on its importance
You can download the summary result with one of any available formats such as PDF,DOCX and TXT
ٌYou can share the summary link easily, we keep the summary on the website for future reference,except for private summaries.
We are working on adding new features to make summarization more easy and accurate
كن لم تعثر عليه في مساء يوم الاثنين شعرت ماريلا بالضيق لأنها لم تر ى مشبك الجمشت وبحثت عنه في كل مكا...
فرضية التوالد الذاتي : تقول النظرية بأن الغازات البركانية )كالميتان واألمونيا CO2 )التي نتجت من األر...
Can I help you , ma'am ? Yes , please , if you could . I'd like to return a pair of jeans that my ...
في الفيديو المصور، قمت بإجراء سلسلة من التجارب على مواد مختلفة تشمل الخشب والزجاج والحجر والحديد وال...
المقدمة في إطار الاحتفاء بجهود التلاميذ ومتابعتهم، قرر الأستاذ تقديم خيارين مختلفين للترفيه: إنشاد ق...
ذكر غزوة الهند والأفغانية في سنة تسع وأربعمائة جمع يمين الدولة من الجموع ما لم يجمع قبله مثله، وسبب...
حلرةالب 䏤ǻLj큟䏽ʋ䏤ȊLj鸋䐂ʋ䏤ȕLj䐟䐅ʋ䏤ȤLj⌨䐉ʋ䏤ȳLj䐌ʋ䏤ɃLj䐐ʋ䏤ɋLj䐒ʋ䏤ɔLj⌘䐕ʋ䏤ɛLj䐖ʋ䏤ɝLj福䐗ʋ䏤ɬLj⽪䐛ʋ䏤ɷLj핾䐝ʋ䏤ɼLjỬ䐟ʋ䏤ʉLj糯䐢ʋ䏤ʞLj뢞䐧ʋ䏤ʡ...
FUELS AND COMBUSTION Fuel: Any material that can be burned to release thermal energy. Most familia...
القسم الثالث: أدلة صحة القرآن: أهداف القسم: 1- أن يأخذ الدارس فكرة عامة عن كتاب النبأ العظيم أن ي...
عند فصل جهد التغذية، يتم توصيل مقاومة كبح عبر أطراف المحرك. يعمل المحرك كمولد، محولاً الطاقة الحركية...
بالعودة إلى األسئلة التي طرحناها في التمهيد نقول: إن اإلجابة على األسئلة المطروحة تصل بنا إلى استنتا...
C'EST QUOI UNE VIDÉO PÉDAGOGIQUE? Une vidéo pédagogique est une vidéo conçue pour enseigner un conc...